Maluwag ang daloy ng trapiko sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) ngayong umaga.
Sa inilabas na abiso ng NLEX-SCTEX ngayong alas-9 ng umaga, light traffic ang umiiral sa mayorya ng mga toll plaza bagamat mayroon lamang bahagyang pila sa RFID installation lanes sa Balintawak at Mindanao Toll Plaza.
Naitala naman ang 500 metro traffic build up malapit sa Shell Capaya (Mexico) Northbound dahil sa aksidente sa rightmost lane. agad na naka-deploy naman na ang patrol team ng NLEX sa site para tumugon sa insidente.
Maliban dito, light traffic na ang umiiral sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas at interchanges.
Una nang nag-abiso ang NLEX sa posibleng pagbigat sa trapiko sa expressway simula sa hapon ng Biyernes, Dec. 29 dahil sa mga luluwas para sa Bagong Taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa