Defense cluster ng pamahalaan, tiniyak na ‘on top of the situation’ kaugnay sa nangyaring pagpapasabog sa MSU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na ‘on top of the’ situation ang pamahalaan sa pagtitiyak ng seguridad at kapayapaan sa bansa.

Ito ang tinuran ni Defense Sec. Gilbert Teodoro matapos ang nangyaring pagpapasabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City kaninang umaga.

Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo ngayong hapon, sinabi ni Teodoro na walang dapat ikabahala ang publiko sa kabila ng namomonitor nilang foreign terrorist na posibleng nakapasok sa bansa.

Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng Chief of Staff nito na si Gen. Romeo Brawner Jr. na naka Red Alert ang buong puwersa ng Militar at Pulisya para galugarin ang buong bansa hinggil sa posibleng takbuhan ng mga terorista.

Sa katunayan, iniulat na rin ni P/LtG. Emmanuel Peralta, Chief of the Directorial Staff ng Philippine National Police (PNP) na bumuo na rin sila ng Special Investigation Task Group (SITG) para laliman pa ang imbestigasyon.

Kabilang sa mga nakikitang nasa likod nito ay ang Maute-ISIS Terrorist group, Abu Sayyaf at Daulah Islamiyah na ayon sa AFP na mahina na ang puwersa.

Sinabi pa ni Peralta na nakataas na rin ang heightened alert status maging sa National Capital Region (NCR) bilang pagsisiguro na rin na walang mangyayaring spill over ng naturang pag-atake.

Magugunitang 4 ang kumpirmadong nasawi habang nasa humigit kumulang 50 naman ang nasugatan sa naging pagsabog.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us