Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pagkasawi ng crown prince ng Kuwait na si His Highness Sheikh Nawaf Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah.
Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na nakikiisa ito sa people of Kuwait sa pagluluksa kasunod ng pagkamatay ni His Highness Sheikh Nawaf.
Nagpaabot din ng pakikiramay at dasal ang DMW sa Kuwaiti royal family ngayong panahon ng pagdadalamhati.
Ayon sa royal court, si His Highness Sheikh Nawaf ay nasawi noong Sabado, siya ay 86 na taong gulang, at naihatid na rin sa kaniyang huling hantungan nitong Linggo. | ulat ni Diane Lear