DepEd, magsasagawa ng simultaneous tree planting activity sa mahigit 40K pampublikong paaralan sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inimbitahan ng Department of Education (DepEd) ang publiko na makiisa sa paglulunsad ng DepEd 236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children program sa Miyerkules.

Ayon sa DepEd, layon ng naturang inisyatibo na maisulong ang environmental preservation at maituro ang environmental responsibility sa mga kabataan.

Sa naturang aktibidad, sabay-sabay na magsasagawa ng tree planting activities ang mahigit 40,000 na mga pampublikong paaralan sa bansa.

Target ng naturang inisyatibo na makapagtanim ng 236,000 na mga puno.

Magsisilbi rin itong regalo ng ahensya para sa mga susunod na henerasyon upang matiyak ang malinis at maayos na kapaligiran.

Maaari namang mapapanood ang livestream ng nasabing aktibidad sa official social media pages ng DepEd sa Miyerkules, December 6, alas-8 ng umaga.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us