DFA, Philippine Embassy sa Cairo, inaasikaso ang mga Pilipinong nais umuwi ng bansa ngayong Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aasikasuhin na ng Department of Foreign Affairs (DFA) katuwang ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt ang pagpapaui sa mga kababayan nating nais umuwi ng bansa ngayong Pasko.

Ayon sa DFA, sisiguruhin nila na matutulungan ang ating mga kababayan sa pagproseso ng kanilang pag-uwi may kaukulang dokumento man o wala.

Sa mga OFWs na nais umuwi ay maaring lamang mag-message sa mga social media sites ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt sa pamamagitan ng Whats App, Facebook page ng embahada, Messenger, at Email.

Samantala, inaasahan naman sa December 23 ang schedule ng repatriation na nais umuwi sa Sudan.

Matatandaan na mula pa noong April 2023 ay umabot na sa mahigit 800 Pilipino ang nakauwi na mula sa Sudan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us