DHSUD, bumuo ng mga TWG upang suriin ang government lands para sa pabahay project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ng technical working groups ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para ipatupad ang mga probisyon ng Executive Order #34 ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.

Layon nitong mapabilis ang identification sa government- owned lands sa buong bansa partikular na para sa pabahay.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, pamumunuan ng TWG ang pagtukoy at pag-vetting ng lupaing pag-aari ng gobyerno para sa pabahay , human settlements at urban development.

Ang TWGs ay binubuo ng grupo ng mga eksperto sa environmental, land use, urban planning and development, public housing and settlements at Programang Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) mula sa parehong central at regional offices ng departamento.

Sa ilalim ng EO 34, inaatasan ang DHSUD na manguna sa mga aktibidad sa idle land inventory.

Pinagsusumite ng kalihim ang TWGs ng listahan ng mga lupaing angkop para sa pabahay, human settlements at urban development na sasailalim sa acquisition at development. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us