In-activate na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang Shelter Cluster sa Caraga at Davao regions, para matulungan ang mga biktima ng malakas na lindol sa Surigao del Sur.
Inatasan na ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang DHSUD Regional Directors mula Regions 11 at 13, na makipag-ugnayan sa local chief executives sa affected areas para sa posibleng tulong.
Tinitiyak ng DHSUD, na nakahanda itong magbigay ng shelter assistance alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand RMarcos Jr.
Batay sa ulat, tinatayang aabot sa P10.460 million ang pinsala sa imprastrakura ng pamahalaan at P88 million sa pabahay.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Regions 11 at 13 ang pinakaapektadong lugar sa Mindanao.
Ang DHSUD ang naatasan na pamunuan ang Shelter Cluster, upang masuri ang mga pangangailangan ng emergency shelter at magbigay ng shelter assistance, at iba pang nauugnay na support services para sa disaster-affected areas.
Ayon sa DHSUD, ang mga pamilyang lubos na nasiraan ng bahay ay maaaring makatanggap ng hanggang P10,000 cash assistance. | ulat ni Rey Ferrer