Nagbabala ang Department of Finance sa publiko na mag-ingat sa mga online scammer na nagpapanggap na mga empleyado ng kanilang kagawaran.
Ayon sa DOF, nakatanggap sila ng ilang ulat hinggil sa umano’y mga scammer ang gumagamit sa “telegram” account na nagpapanggap na mga empleyado ng DOF at nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo at transaksyon at naniningil ng bayad.
Diin ng DOF, walang sinumang empleyado ng DOF ang may awtoridad na magbigay serbisyo o transaksyon sa labas ng opisyal na saklaw ng kagawaran.
Mayroon lamang ito accounts sa ilang social media platforms gaya Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, Youtube, at Viber.
Paalala ng DOF sa publiko na maging maingat at makipag-ugnayan lamang sa opisyal na tanggapan ng Department of Finance para sa anumang uri ng transaksyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes