DOT Chief Frasco binigyang imbitasyon si Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee upang maging tourism ambassador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang imbitasyon ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang ating kababayan na si Michelle Marquez Dee, matapos ang matagumpay na 72nd Miss Universe Pageant, na maging bagong tourism ambassador ng bansa.

Sa isang pagbisita ni Dee sa DOT Central Office sa Makati City, ibinahagi ng tourism chief na handa itong makipagtulungan sa beauty queen para itaguyod ang samu’t saring mga tourist destination sa Pilipinas.

Si Dee, na itinanghal bilang Best in National Costume sa nakaraang Miss Universe, ay iniimbitahan rin na sumali sa Philippine Experience Program (PEP), isang proyektong naglalayong ipakita ang kayamanan ng kultura ng bansa sa pamamagitan ng regional caravans.

Sa panayam, ipinahayag ni Secretary Frasco ang pasasalamat sa suporta ni Dee para sa turismo ng Pilipinas habang ang beauty queen naman ay nagpahayag ng kasiyahan at pagpapasalamat sa pagtanggap ng publiko.

Habang nagbabalak naman si Dee na bisitahin ang Western Visayas at Mindanao, ipinaabot niya ang kanyang pagmamahal sa bansa at ang layunin na ipakita sa buong mundo ang kahalagahan ng turismo sa Pilipinas.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us