Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng field offices nito sa mga pamilya at inidbidwal na apektado ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi noong December 3.
Ayon sa DSWD, aabot sa P900,000 na financial aid ang naipaabot ng iba’t ibang DSWD field offices sa 138 survivors ng nangyaring pagsabog.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng mga opisina ng DSWD sa mga biktima upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga ito.
Samantala, nagsasagawa rin ng psychosocial intervention ang Lokal na Pamahalaan ng Iligan para sa mga na-trauma sa nangyaring insidente. | ulat ni Diane Lear