Patuloy sa paghahatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng pag-iral ng shearline at bagyong Kabayan.
Sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of Dec. 20 ay umakyat na sa higit P6.4 milyon ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa mga apektadong residente.
Kasama rito ang family food packs at non-food items partikular sa mga pamilyang nakatira sa evacuation centers.
Sa kasalukuyan naman ay sumampa pa sa halos 100,000 pamilya na o katumbas ng 364,000 indibidwal ang apektado ng shearline at Kabayan sa anim na rehiyon sa bansa.
Mula rito, higit 700 pamilya pa o higit 2,674 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa