Walang patid ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao Del Sur noong December 2.
Ayon sa DSWD, umabot na sa P57.3 milyon ang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga apektadong pamilya at indibidwal gaya ng food at non-food items at financial aid.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kabilang sa mga nahatiran ng food at non-food items ang mga apektado sa Davao del Norte sa Region 11 at Surigao del Sur sa Caraga Region.
Nasa mahigit 21 pamilya naman na nasira ang mga bahay ang nabigyang ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Indibiduals in Crisis Situation (AICS) program.
Dagdag pa ni Dumlao na patuloy ang paghahatid ng DSWD ng food packs sa mga apektadong munisipalidad at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga regional counterpart nito sakaling kailanganin pa ng karagdagang ayuda.
Sa ngayon, nasa P2.7 bilyon ang standby fund ng DSWD at naka-preposition na rin ang mga relief items na maaaring magamit sa oras ng kalamidad. | ulat ni Diane Lear