Itinaas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC XI) sa Red Alert Status ang Emergency Operations Center ng rehiyon kasunod nga Magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur, Sabado ng gabi.
Sa inilabas na Memorandum No. 134, series of 2023, layunin nito ay mapalakas at matutukan ang monitoring sa Davao Region at masiguro ang mabilis na pagresponde mula sa regional level, partikular na sa mga lugar na higiy na apektado ng pagyanig.
Dahil dito, ang lahat ng Local DRRM Offices at RDRRMC member-agencies ay inabisuhang magmonitor sa kanilang areas of responsibility at makipag-ugnayan sa RDRRMC XI EOC para sa mabilisang pagresponde kung kinakailangan.
Base sa huling situational report ng RDRRMC XI EOC, isa ang naitalang namatay dahil sa lindol sa Tagum City, Davao del Norte, habang apat naman ang iniulat na sugatan sa Tagum City, Mawab at Pantukan sa Davao de Oro.
Nagpapatuloy namang ang pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ng mga local government units upang malaman ang sitwasyon sa lugar lalo na ang mga damages at upang masiguro rin ang kaligtasan ng mga residente at matugunan ang pangangailangan ng mga ito.| ulat ni Sheila Lisondra| RP1 Davao