Epekto ng tsunami sa Surigao del Sur at Davao Oriental, pinasisilip ng Phivolcs sa mga LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang local government units na magsagawa ng assessment sa epekto ng tsunami na tumama sa coastal areas ng Surigao del Sur at Davao Oriental.

Kasunod ito ng malakas na lindol na tumama kagabi sa karagatang sakop ng Hinatuan sa Surigao del Sur.

Kinumpirma ang presensya ng tsunami, ayon sa sea level monitoring stations ng PHIVOLCS sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, namataan ang tsunami na may preliminarily wave heights na 0.64 meters sa Mawes Island sa Hinatuan, 0.18 meters sa Lawigan, Bislig City, 0.05 meters sa Port of Dapa, Surigao del Norte at 0.08 meters sa Mati, Davao Oriental.

Huling naitala ang pagdating ng tsunami wave sa Pilipinas ay kaninang alas-2:52 ng madaling araw sa Hinatuan-Bislig Bay Station sa Mawes Island.

Bandang alas-3:23 ng madaling araw ng kanselahin na ng PHIVOLCS ang lahat ng tsunami warning.

Kaugnay nito, pinapayuhan pa rin ang mga residente sa coastal areas doon na sundin ang mga tagubilin mula sa local officials bago gawin ang normal na aktibidad.

Maging ang mga sasakyang pandagat ay pinapayuhan ding sumunod sa bilin mula sa Coast Guard o kinauukulang awtoridad para pumalaot. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us