Estados Unidos nanawagan sa China na respetuhin ang International Law kasunod ng 2 huling insidente ng pang-ha-harass sa West Phil. Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nanawagan ang Estados Unidos sa China na tigilan ang kanilang mapanganib at ilegal na aksyon sa West Phil. Sea na lumilikha ng destabilisasyon sa rehiyon.

Ang pahayag ay ginawa ni US Department of State Spokesperson Matthew Miller, kasunod ng dalawang huling insidente ng pang-ha-harass ng China nitong Disyembre 9 sa Scarborough Shoal at Disyembre 10 sa Ayungin shoal sa West Phil. Sea.

Giit ng US State Department, ang paggamit ng China ng water cannon at mapanganib na pagmaneobra na nakapinsala sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng opisyal na misyon ay naglagay sa panganib ng buhay ng mga Pilipinong crew.

Ayon sa Estados Unidos, ang aksyong ito ay hindi lang pagwawalang-bahala ng China sa kaligtasan at kabuhayan ng mga Pilipino kundi maging sa international law.

Muling tiniyak ng Estados Unidos na nakatindig sila kasama ang Pilipinas sa harap ng mapanganib at ilegal na pagkilos ng China, at saklaw ng U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty ang armadong pag-atake sa Philippine armed forces, public vessels, o aircraft, kasama ang Coast Guard saan man a West Phil. Sea. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us