Estudyante sa Iloilo, nagbigay pugay kay Andres Bonifacio sa isang artwork

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay-pugay si Edgian James Florida, estudyante na mahilig sa art work mula sa Badiangan, Iloilo, kay Andres Bonifacio sa ika-160 anibersaryo nito ngayong araw.

Ayon kay Florida ‘inspired’ siya sa paggawa ng ‘art’ ng bayani base sa kanyang illustration na may hawak ito ng bandila na may nakasulat na KKK.

Ginamit niya sa pantalon ni Bonifacio ay quaker oats, ang pang-itaas na damit ay cutout paper, ang hinahawakan niya ay tangkay ng bulaklak at ang pulang bandila ay iginuhit niya.

Si Bonifacio ay ama ng Philippine Revolution, at isa sa mga pambansang bayani ng bansa.

Siya ang tagapagtatag ng Kataastaasang Pangulo ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o “Katipunan,” isang pagkilos na naghahangad ng kalayaan ng mga Pilipino mula sa pamumuno ng kolonya ng Espanyol at nagsimula ng Philippine Revolution.| ulat ni Bing Pabiona| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us