Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na suspendido ang face-to-face classes para sa Daycare, Kindergarten hanggang Grade 12 sa lahat ng pampublikong paaralan.
Ito’y upang maiwasan ang anumang abala sa mga mag-aaral bunsod ng naka-ambang tigil pasada ng mga grupong PISTON at MANIBELA mula bukas hanggang sa Biyernes.
Gayunman, nilinaw ng Muntinlupa LGU na bagaman suspendido ang face-to-face classes maaari pa rin namang i-adopt ng mga pampublikong paaralan ang blended learning sa kanilang mga estudyante.
Kasunod nito, sinabi ng Muntinlupa LGU na ang suspension ng klase sa mga pribadong paaralan ay nasa diskresyon na ng mga pamunuan ng paaralan.
Magpapakalat naman ng libreng sakay ang Muntinlupa LGU para sa mga maaapektuhang pasahero. | ulat ni Jaymark Dagala