Karagdang 240 na mga bata mula sa dalawang Barangay sa Dagupan City ang naging benepisyaryo nitong weekend sa nagpapatuloy na programa ng lokal na pamahalaan na ‘Goodbye Gutom’.
Kabilang dito ang mga bata mula sa barangay Salisay at Calmay.
Pinangunahan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang pamamahagi katuwang ang City Nutrition Office, at ng barangay at Sangguniang kabataan councils.
Liban sa inihain na tinolang manok sa mga bata ay binigyan din ang mga ito ng ‘fresh apples’ bilang bahagi ng ‘You’re the Apple of my Eyes Program’.
Ang naturang programa ay bahagi ng pagnanais ng lokal na pamahalaan na makamit ang zero hunger sa Dagupan City.
Sinimulan na rin ng alklade kasama si Vice Mayor Bryan Kua ang pagbibigay ng maagang pamasko sa 200 bata sa syudad.
Una na ring sinabi ng alkalde, na hindi nito mapapakain ang lahat pero nais nilang mapalakas ang awareness ng mga bata at mga magulang sa tamang nutrisyon.
Patuloy sa pag iikot ang Goodbye Gutom Program sa 31 barangay sa syudad katuwang ang mga volunteer group at suporta ng ilang pribadong kumpanya.
Target ng LGU na maabot ang 5000 mga bata sa lungsod na magung benepisyaryo sa ‘goodbye gutom’.
Ito ay rin pagpapakita ng pakikiisa ng LGU sa United Nations Sustainable Development Goals upang wakasan Ang gutom at malnutrisyon sa 2030. | ulat ni Verna Beltran | RP1 Dagupan
📸 LGU DAGUPAN