Patuloy ang pag-alalay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indibidwal na nakaligtas sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong December 3.
Sa pangunguna ng Field Office-10 (Northern Mindanao), tumanggap ng cash aid ang nasa 130 indibidwal at pamilyang apektado ng bombing incident.
Bukod dito, muli ring naghatid ng counseling services ang DSWD para matulungan ang mga nakaligtas na maproseso ng maayos ang kanilang ‘traumatic experience’.
Tiniyak ng DSWD Northern Mindanao Field Office ang patuloy na suporta sa mga nakaligtas sa pambobomba.
Una na ring siniguro ng CHED ang karagdagang financial assistance para sa mga apektadong estudyante sa nangyaring pagsabog sa pamamagitan ng Tulong Dunong para sa School Year 2023-2024.
As of Deceber 11, muli nang nagbalik ang klase sa MSU-Marawi Campus matapos maideklara ng PNP at AFP na ligtas na muling magpatuloy ang klase rito. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD