Mayroon nang inisyal na 56,634 pamilya o higit 236,000 indibidwal ang naitalang apektado ng pagtama ng Magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur gabi ng Sabado, December 2.
Batay yan sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay mula sa 156 na barangay sa CARAGA Region.
Wala pang naitalang mga pamilya ang inilikas sa evacuation centers bagamat malaking bilang na ng kabahayan sa napinsala.
Ayon sa DSWD, mayroon nang 84 kabahayan na labis na nasira sa lindol habang 439 ang partially damaged.
Nagpapatuloy naman ang assessment ng DSWD sa apektdong rehiyon habang nakahanda na rin ang higit ₱2.8-bilyong halaga ng stockpile at standby funds nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa