Ika-11 batch ng mga OFW mula Israel, nakatakdang umuwi ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ngayong araw ang nasa 27 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Israel.

Sila ang ika-11 batch ng mga Pilipinong piniling umuwi na sa bansa kasunod ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Israeli Forces at ng Palestine Militant Group na Hamas.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), alas-3 mamayang hapon nakatakdang dumating sa bansa ang mga naturang OFW sakay ng Etihad Airways flight EY424.

Lalapag ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kung saan, 25 caregivers at dalawang hotel workers ang inaasahang magbabalik bansa.

Sasalubungin sila ng mga opisyal ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA) para igawad ang tulong na ipaaabot ng pamahalaan para sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us