Pasado alas-3:00 ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Ethidad Airways Flight EY 424.
Lulan nito ang 27 na mga overseas Filipino worker na lumikas sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israel Defense Forces at grupong Hamas.
Sa bilang na ito, 25 ang caregivers at dalawa ang hotel workers.
Sa ngayon, nagsasagawa ng maiksing programa para sa mga OFW kung saan ipinamamahagi na rin ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang na rito ang tig-P50,000 na tulong pinansyal mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.
Ayon sa DMW, mananatiling bukas ang ahensya para sa mga Pilipino na nais na umuwi sa bansa mula Israel.
Sa kabuuan, umabot na sa 362 ang bilang ng mga OFW na umuwi sa bansa sa pagdating nga ika-11 batch ngayong hapon. | ulat ni Diane Lear