Abiso sa mga motorista.
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela sa Sabado, December 16.
Ito ay upang bigyang daan ang idadaos na “Parade of Stars” para sa 49th Metro Manila Film Festival na dadaan sa apat na lungsod.
Ayon sa MMDA, magpapatupad sila ng temporary lane closures at counterflow simula alas-12 ng tanghali hanggang alas-8 ng gabi sa December 16.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ang:
•C-4 Road (mula Navotas Centennial Park hanggang A Mabini St.)
•Samson Road (mula A. Mabini St. hanggang Monumento Circle)
•Mc Arthur Highway (mula Monumento Circle hanggang C. Santos Street)
Bubuksan naman ang mga nasabing kalsada kapag nakadaan na ang mga float.
Inaasahan naman ang mas mabigat na daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng Samson Road at Mc Arthur Higway dahil sa pagdagsa ng movie fans upang makita ang kanilang paboritong mga artista.
Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.| ulat ni Diane Lear