Ilang LGU sa Caraga nagsuspinde ng klase at trabaho sa patuloy na naranasang malakas na aftershocks

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspindido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Butuan City simula bukas, Disyembre 4, at sa lahat ng tanggapan sa gobyerno Lunes ng umaga.

Inanunsiyo ito ng pamalahalaang lokal ng Butuan linggo ng gabi, bunsod ng sunod-sunod na mga naramdamang pagyanig ngayong araw.

Samantala, ang nga ahensiya ng gobyerno na nakatuon sa mga pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, at pagtugon sa mga mahahalagang operasyon ay hindi kadama sa pagsuspinde.

Nagdeklara na rin ng pagsuspinde sa klase ang mga bayan ng Prosperidad sa Agusan del Sur, Tandag City at bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us