Ilang lugar sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig hanggang Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Lungsod Quezon.

Sa abiso ng Maynilad, may isasagawang maintenance activities sa mga apektadong lugar.

Ipapatupad ang water service interruption simula ngayong gabi, Disyembre 18 hanggang umaga ng Disyembre 25.

 Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Barangay Baesa, mawawalan ng suplay ng tubig mula 10 PM ng December 18 hanggang 6 AM December 19, 2023.

Barangay Nova Proper mula 10 PM ng December 19 hanggang 6 AM ng December 20, 2023.

Barangay Nagkaisang Nayon mula 10 PM ng Dec. 20 hanggang 6 AM ng Dec. 21, 2023.

Barangay Mariblo mula 10 PM ng Dec. 21 hanggang 6 AM Dec. 22, 2023.

Barangay Bungad mula 10 PM ng Dec. 23 hanggang 6 AM Dec. 24, 2023.

Barangay Sta. Teresita at San Isidro Labrador mula 10 PM ng Dec. 24 hanggang 6 AM Dec. 25, 2023.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us