Ilang opisyal ng PNP, isinailalim sa balasahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpatupad ng balasahan sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police, halos isang linggo matapos mapalawig ang termino ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr.

Ito ay ayon sa inilabas na kautusan ni Acorda na pirmado ni Directorate for Personnel and Records Management Chief, P/MGen. Robert Rodriguez.

Batay sa dokumentong nakuha ng Radyo Pilipinas, itinalaga ng PNP Chief si P/BGen. Andre Dizon bilang Acting Director ng Police Regional Office 5 o Bicol PNP.

Pinalitan ni Dizon si P/BGen. Westrimundo Obinque na itinalaga naman bilang Acting Chief ng Directorate for Research and Development.

Samantala, papalit naman kay Dizon sa PNP Retirement and Benefits Administration Service si P/Col. Leon Victor Rosete.

Nakasaad pa sa General Orders ng PNP Chief na epektibo ang panibagong balasahan sa hanay ng mga opisyal ng pulisya sa Lunes, Disyembre 11. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us