Nananatiling maayos at maganda ang kalidad ng hangin sa Quezon City.
Ayon ito sa pinakahuling pagsusuri na ginawa ng Air Quality Index ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Development sa lungsod.
Layon ng hakbang na ito na matiyak na nasa maayos ang kalidad ng hangin na nalalanghap ng tao sa lungsod.
Samantala, pinayuhan din ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok ngayong kapaskuhan at bagong taon. | ulat ni Rey Ferrer