Napanatili sa lungsod Quezon ang magandang kalidad ng hangin nitong nakalipas na Disyembre 24 hanggang 25, araw ng Pasko.
Ito’y base sa pinakahuling pagsusuri sa ginawang Air Quality Index ng mga tauhan ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Development sa lungsod.
Ginawa ang hakbang upang bantayan ang kalidad ng hangin sa lungsod sa panahon ng holiday season.
Nais ding matiyak na maganda ang kalidad ng hangin na nalalanghap ng publiko .
Ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon, pinaiiwas ang publiko sa paggamit ng mga paputok.
Maaari ding makipag-ugnayan sa Quezon City Health Department ang sinumang may problema sa kalusugan tulad ng hirap sa paghinga, hika, at iba pa sa kanilang telepono sa numerong (02) 8929-8038. | ulat ni Rey Ferrer