Binantayan ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) partikular ng Caloocan Police at maging ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Caloocan Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) ang ikinasang kilos-protesta ng grupong PISTON at MANIBELA sa bahagi ng Monumento Circle.
Parte pa rin ito ng dalawang linggong transport strike ng grupo bilang pagtutol sa franchise consolidation.
Ayon kay Caloocan Chief of Police Colonel Ruben Lacuesta, nananatili namang mapayapa ang protesta ng grupo na sinimulan bago mag-alas-9 ng umaga.
Naging abala naman ang mga tauhan ng Caloocan LGU at MMDA sa pag-alalay sa mga motorista at pagmando sa lagay ng trapiko sa lugar na hindi maapektuhan ng rally.
Ayon naman kay MANIBELA Chair Mar Valbuena, maghapon muli ang kanilang gagawing strike sa iba’t ibang parte ng Metro Manila ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa