Koneksyon ng naarestong person of interest sa Marawi bombing sa Daulah-Islamiyah, inaalam pa ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaalam pa ng Armed Forces of the Philippines kung may koneksyon sa Daulah Islamiyah-Maute ang nahuli nilang suspek sa pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, hindi pa nila tiyak kung saang grupo kabilang si Jafar Gamo Sultan, alyas Jaf at Kurot.

Una nang nabatid na si Sultan ay kasabwat ng isang alyas Omar na positibong tinukoy ng mga testigo na nagdala ng improvised explosive device sa Dimaporo Gymnasium habang nagsasagawa ng misa.

Ngayon lang lumutang ang pagalan ni Omar sa kabila ng ulat ng Phlippine National Police o PNP na isang Kadapi Mimbesa alias engineer ang may dala ng bag na pinaniniwalaan na may lamang bomba. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us