Muling nakatanggap ng parangal ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa 2nd Gawad Daang Bakal ng Philippine Railway Institute (PRI).
Iginawad ng PRI sa LRTA ang Top Performing Railway Operator dahil sa mahusay at epektibo nitong pagseserbisyo sa mga pasahero.
Ang Top Performing Railway Operator ay ipinagkaloob matapos na makamit ng LRTA personnel ang pinakamataas na passing rate sa Comprehensive Examination for Competency Requirement for Railway Personnel para sa taong 2023.
Muli ring nasungkit ng LRTA ang Dunong Award, dahil sa dami ng top performing trainees nito na nanguna sa Refresher Trainee Course for Railway Operation and Maintenance Personnel’s Comprehensive Examination ngayong taon.
Nagpasalamat naman si LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera sa mga natanggap na parangal ng LRTA mula sa PRI.
Tiniyak naman ni Cabrera, na mas lalo pang pagsusumikapan ng LRTA na mapagbuti ang serbisyo ng LRT-2. | ulat ni Diane Lear