Hinimok ngayon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang mga elementary at high school authorities na ikonsiderang maisama sa kanilang mga inoorganisang educational tour ang Road Safety Interactive Center (RSIC) na matatagpuan sa LTO Central Office sa Quezon City.
Kasama si DOTr Sec. Jaime Bautista, pinangunahan ni LTO Asec. Mendoza ang pagpapasinaya sa RSIC na isang state-of-the-art facility kung saan tampok ang driving simulators, virtual reality ng iba’t ibang transportation modes at mga mahahalagang impormasyon hinggil sa road safety, signs, warnings, at regulations.
Mayroon din itong 4D mini theater na nagpapalabas ng informative videos tungkol sa child safety, teen driving, older drivers, pedestrian safety, vehicle theft prevention, at PUVs.
Ayon kay Asec. Mendoza, oras na buksan na sa publiko ang pasilidad, maaari itong magamit para matuto ang mga estudyante sa kahalagahan ng road courtesy, discipline at safety.
“The elementary and high school students are the next generations of motorists. It is important that at their young age, they are already being introduced to this kind of facility that focuses on road safety,” Mendoza.
Ayon pa kay Mendoza, magiging kapana-panabik ang pagbisita sa Road Safety Interactive Center dahil interactive ito at nakadisenyo para sa mas nakababatang henerasyon.
“So we encourage school authorities to consider visiting our Road Safety Interactive Center for their students. Road safety is an integral part of our lives so it is really important that we start introducing our children to this as early as possible,” Mendoza.
Kaugnay nito, iniutos na ng LTO Chief ang pagbuo ng komite na mangangasiwa sa mga pag-iskedyul ng bookings na matatanggap ng ahensya sa iba’t ibang paaralan para sa RSIC. | ulat ni Merry Ann Bastasa