Pormal na inilunsad ngayong araw ang Road Safety at IT Hub ng Land Transportation Office (LTO) na layong paigtingin ang road safety at maipabatid sa publiko ang basic rules sa kalsada.
Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang paglulunsad ng Road Safety Interactive Center sa LTO Head Office Compound sa Quezon City.
Tampok dito ang mga state-of-the-art facility kung saan ang publiko at ang mga mag-aaral ay maaaring masubukan ang iba’t ibang educational at interactive stations na mayroong driving simulators para sa two at four-wheeled vehicles.
Mayroon din mga laro kaugnay sa road signs, warnings, at regulatory signages. Tampok din ang 4D mini theater kung saan ipinapalabas ang mga informative video tungkol sa child safety, teen driving, pedestrian safety, vehicle theft at iba pa.
Ayon kay Bautista, mahalaga ang road safety kaya’t patuloy na isinusulong ng DOTr at tinitiyak ang kaligtasan ng lahat ng road users sa bansa.| ulat ni Diane Lear