Naglabas ang Lokal na Pamahalaan ng Taguig ng Fire Cracker Zone sa bawat barangay sa lungsod upang maging ligtas ang mga Taugigueño sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa inilabas na listahan ng Taguig City sa District 1, ang mga lugar at barangay ng:
• Palingon – sa likod ng Barangay Hall, Pk. 1 F. Dingguin Bayan Open Court at Pk. 2 Bantayan
• Bambang – Open Basketball Court sa Kentucky St. – Mahogany Place 2 Block 3 Lot 2 & 4 San Dimas St.
• Wawa – Barangay Road at along Guerrero St.
• San Miguel – Victoria Compound Basketball Court sa St. Michael at Open Basketball Court malapit sa barangay hall
• Lower Bicutan – Lakeshore Hall Parking Area
• Bagumbayan – Open Area sa harap ng CP Sta. Teresa Elementary School o open area sa likod ng barangay hall
• Hagonoy – Hagonoy Sports Complex Parking Area (Quadrangle)
• Napindan – Samama (Dulo) Open Area sa Purok 5 extension Tabing Ilog at Purok 5 (sa harap ng Jelly Port)
• Tuktukan – JP Rizal St.
Sa District 2 ang mga lugar at barangay ng:
• South Daang Hari – Lakefront
• Central Bicutan – Osano Park
• Upper Bicutan – Osano Park
• Fort Bonifacio – 5th Avenue, Bonifacio Global City (organized event only and no use of firecrackers by individuals is allowed)
• Katuparan – Open space ng Materials Recovery Facility (MRF), 7th Street
• Central Signal – Zone 8 cor. Ballecer St. sa harap ng Em’s Elementary School
– Zone 9 cor. Ballecer St. sa harap ng Signal Village National High School
Samantala ang mga hindi nabanggit na lugar at barangay sa lungsod ay idineklarang no fire cracker zone. | ulat ni AJ Ignacio