Pumalo na sa mahigit 34,000 mga iligal na paputok ang nakumpiska ng Philippine National Police.
Batay ito sa inilabas na datos ng PNP mula Disyembre 16 hanggang kahapon, araw ng Pasko, Disyembre 25.
Sa naturang bilang, pinakamarami sa mga nakumpiska ay ang five star na nasa mahigit 9,000, sinundan naman ito ng sawa na nasa mahigit 7,000, pla-pla na nasa mahigit 4,000 at kwiton o kabasi na nasa mahigit 2,000.
Nakakumpiska rin ang PNP ng Giant Bawang, Poppop, Roman Candle, Boga, Judas Belt, Piccolo at iba pa.
Maliban sa mga iligal na paputok, nasa mahigit 400 din na mga ligal na paputok ang nasamsam dahil sa iligal namang pagbebenta nito.
Kung susumahin, nagkakahalaga ng ₱180,240 ang mga nasamsam na paputok ng pulisya. | ulat ni Jaymark Dagala