Puspusan ang ginagawang paghananda ng Philippine National Police (PNP) para sa muling pagbabalik ng tradisyonal na Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa January 9.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, mahigit 16,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa Lungsod ng Maynila para sa okasyon mula December 30.
Nagtalaga rin ang PNP ng mga tukoy nang kontroladong lugar buhat sa Quirino Grandstand, rutang daraanan ng Traslacion na kaparehas noong 2020 hanggang sa harap ng Basilika Menor ng Quiapo.
Kasunod niyan, sinabi ni Fajardo na ilan sa mga kagamitan ang ipagbabawal sa Traslacion gaya ng Bag, Water Canister, Payong, at Bull cap.
Kung hindi aniya maiiwasang magdala ng bag, dapat transparent ito at dapat ding lumabas sa controlled areas ng mga deboto kung kakain o iinom ng tubig.
Batay sa datos ng PNP, nasa humigit kumulang dalawang milyong deboto ang dumagsa sa Traslascion ng Poong Hesus Nazareno, bago magpandemya noong 2020 kaya’t inaasahan nilang dodoble pa ang bilang na iyan sa pagbabalik nito sa 2024. | ulat ni Jaymark Dagala