Bilang bahagi ng pagpapatupad ng pinaigting na seguridad ngayong Pasko, magde-deploy ng 436 police service dogs ang PNP para tumulong sa security inspection.
Sa naturang bilang, 364 ang explosive detection dogs habang ang nalalabi ay sinanay sa paghahanap ng iligal na droga.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ipapakalat ang mga aso sa mga matataong lugar tulad ng mga transportation hub at iba pang places of convergence.
Malaking tulong aniya ito para mapigilan ang anumang tangkang magpuslit ng kontrabando.
Una na ring inanunsyo ng PNP na paiiralin nila ang full alert status simula December 15 kasabay ng pagsisimula ng traditional na “Simbang Gabi”. | ulat ni Leo Sarne