Mahigit P1.7 milyong halaga ng iligal na droga, nasabat sa Taguig City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) ang aabot sa 250 gramo ng hinihinalang shabu.

Ito’y sa isinagawang operasyon ng pulisya katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. North Signal sa Taguig City.

Kasabay nito, sinabi ni PDEG Acting Director, Police Colonel Dionisio Bartolome Jr., na naaresto ang tatlong indibidwal na kinilalang sina Mark Christian Saldo, Woody Castro Dela Cruz, at Charlie Corpuz.

Nakuha sa pinangyarihan ng operasyon ang naturang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyong, P1,000 na ginamit bilang boodle money at isang sling bag.

Agad na dinala ang mga nasabat na ebidensya sa Special Operations Unit ng PDEG para sa kaukulang documentation habang dinala naman sa Regional Forensic Unit 4A sa Calamba City sa Laguna ang mga nasamsam na iligal na droga. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us