Nais ng Albania at Malta na magkaroon ng isang Bilateral Labor Agreement sa Pilipinas para sa pagbubukas ng trabaho sa kanilang bansa.
Ayon kay Philippine Ambassador to Italy Neal Imperial, patuloy ang pakikipag-diyalogo nila sa nasabing mga bansa para sa pagsasapinal ng Bilateral Agreement.
Dagdag pa ni Imperial na malaking tulong ang Bilateral Agreement sa karagdagang alok na trabaho mula sa sektor ng hotels, restaurants, spa, accounting, information and technology, tourism, retail, at caregivers. | ulat ni AJ Ignacio
📸: PNA