Tinukuran ni Speaker Martin Romualdez ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagpapalakas ng alyansa para mapanatili ang kapayapaan at stability sa South China Sea at kabuuan ng Asian region.
Kasunod ito ng pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Japan patungkol sa reciprocal access agreement sa pagde-deploy ng military forces na isang kritikal na hakbang sa gitna ng tensyon sa rehiyon.
Sa naging bilateral meeting nina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, tinuran ng Chief Executive na kapwa makikinabang ang Pilipinas at Japan mula sa planong Reciprocal Access Agreement (RAA).
“The collaboration between the Philippines and Japan, as well as our alliance with other like-minded nations, is crucial in addressing the growing challenges we face in the region. It is evident that the complexities of the current geopolitical climate, particularly the aggressive actions of China in the South China Sea, require robust and cooperative solutions,” ani Romualdez.
Tulad ng Presidente, binigyang diin din ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng dayalogo at payapang negosasyon sa pagitan ng lahat ng partido para maresolba ang isyu.
“While we remain committed to defending our national interests and upholding our sovereign rights, it is equally imperative to pursue diplomatic avenues and peaceful engagements,” saad ni Romualdez.
Kaisa ang House Speaker sa panawagan sa pagkakaisa ng international community para tugunan ang mga hamong ito sa South China Sea kasabay ng pagtiyak na patuloy na isusulong at igagalang ng Pilipinas ang international rules-based order at pagsiguro sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region. | ulat ni Kathleen Jean