Inihayag ni Metro Manila Council (MMC) President at San Juan City Mayor Francis Zamora na suportado nito ang pagkakaroon ng community fireworks display zone sa bawat lokal na pamahalaan.
Ito ay upang maging ligtas ang pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Zamora, kaisa ang MMC ng Metropolitan Manila Development Authority at Department of the Interior and Local Government sa hangarin na maidaos ng ligtas ang holiday season.
Mas mabuti aniya na magkaroon ng community fireworks display zone sa bawat LGU na pupuntahan ng mga residente kaysa magpaputok sa kani-kanilang mga tahanan na nagiging sanhi ng aksidente at sunog.
Kaugnay nito ay magkakasa ng fireworks display ang Lokal na pamahalaan ng San Juan sa Pinaglabanan Shrine sa December 31 simula alas-10 ng gabi. | ulat ni Diane Lear