Mga accounts na nag-aalok ng online assistance, ipapatanggal na sa Facebook, ayon sa LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makikipagtulungan ang Land Transportation Office (LTO) sa Facebook Philippines para sa pagtanggal ng mga accounts na nag-aalok ng LTO online assistance.

Inatasan na ni LTO Chief Vigor Mendoza II ang legal department ng ahensya upang makipag-ugnayan sa Facebook Philippines.

Ang mga accounts na ito ang nag-aalok ng tulong para makakuha ng driver’s license at transaksyon sa motor vehicle registration.

Iniutos na rin ni Mendoza sa mga Regional Directors at District Heads na i-monitor ang Facebook at iba pang social media platforms para malaman ang mga sangkot sa sinasabing “palakad” sa mga LTO transactions.

Aniya, mula student permits, driver’s license application at motor vehicle renewal registration ay maaari nang gawing online sa pamamamagitan ng Land Transportation Management System (LTMS).

Plano na rin ng LTO Chief na magbigay ng incentive sa LTO employees na makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang mga online scammer.

Maging ang mga netizen ay hiningan na rin niya ng tulong para habulin ang online scammers. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us