Mga biktima ng bus na naaksidente sa Antique, pinaabutan ng tulong ng AnaKalusugan Party-list

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng tulong ang AnaKalusugan Party-list sa pamilya ng mga biktima ng malagim na aksidente sa Antique.

Ayon kay AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes, nabigyan ng P10,000 na medical assistance ang lahat ng pamilya ng labinwalong nasawi sa trahedya gayundin ang 11 sugatang pasahero.

Disyembre 5 nang mawalan ng preno ang naturang bus mula iloilo hanggang sa nahulog sa bangin.

“Nakikiramay po kami sa pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima ng aksidenteng ito. Makakaasa din po kayo na narito ang AnaKalusugan na handang tumulong sa inyo para siguruhing mananagot ang mga dapat managot sa aksidenteng ito,” aniya.

Nagpaalala naman ang mambabatas sa mga motorista na magdoble ingat sa pagmamaneho lalo na ngayong holiday season dahil aniya marami sa ating mga kababayan ang umuuwi sa kanilang probinsya.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us