Inalerto na ng National Electrification Administration (NEA) Disaster Risk Reduction and Management Department ang electric cooperatives (ECs) sa bansa sa posibleng epekto ng bagyong Kabayan sa kanilang mga pasilidad.
Partikular na inatasan ang electric cooperatives (ECs) na maglatag na ng contingency measures para mabawasan ang posibleng epekto ng bagyo sa kanilang serbisyo.
Pinaa-activate na rin ang kanilang Emergency Response Organization para sa agarang pagpapatupad ng emergency response plans kung kinakailangan.
Kaugnay nito, pinatitiyak rin na naka-preposisyon na ang kanilang mga materyales at buffer stocks para sa mga pagkakataong mangangailangan ng power restoration.
Para sa mga lugar na kinailangang magpatupad ng electric service disconnection dahil sa masamang panahon, dapat na agad ring ibalik ang kuryente oras na humupa na ang sitwasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa