Mga high rise buildings at malls, sinimulan nang siyasatin ng Butuan LGU matapos ang malakas na lindol kagabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mismong ang City Hall ang isa sa mga unang isinailalim sa inenspeksyon at sinuri ang integridad ng Office of the Building Official.

Ito ay matapos napagkasunduhan sa ginanap na meeting ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMO) na siyasatin di lamang mga high rise buildings pati mga malls at pagamutan nitong lungsod.

Sa pagsisiyasat ng isang mall, makikita sa mga larawan na ipinalabas ng lokal na pamahalaan na may crack sa mga pader nito.

Samantala, nagpalabas naman ng abiso ang mall na ito na pansamantalang sarado ang cinema nito upang maipatupad ang isang masusing inspeksyon.

Magsasagawa rin ng inspeksyon ang CDRRMO sa mga barangays at mga paaralan upang alamin kung may mga naging mga pinsala dulot parin ng 7.4 magnitude na lindol at masuri kung ang mga ito ay ligtas na muling gamitin, ayon sa CDRRMO.| ulat ni Malou Apego| RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us