Masaya ang mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Israel na nakauwi sila sa Pilipinas at makakapilipiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko.
Kabilang dito si Ronnie Compay Basco, isang caregiver, sa 27 na mga OFW na dumating sa Pilipinas mula sa Israel ngayong araw.
Ayon kay Basco, huli siyang nakauwi sa bansa noong 2008 kaya bumuhos ang emosyon nito noong tanungin kung ano ang kaniyang nararamdaman ngayon nakauwi na siya ng bansa ilang araw bago ang Pasko.
Ani Basco, 18 taon na rin siya nagtatrabaho sa Israel at nagdesisyon siyang umuwi sa bansa dahil na rin sa nagpapatuloy na gulo sa naturang bansa.
Samantala, tiniyak ni Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac na sapat ang pondo ng Department of Migrant Workers (DMW) para ayudahan ang mga umuwi at uuwi pang mga OFW na apektado ng gulo sa pagitan ng Israel at Hamas.| ulat ni Diane Lear