Mga pulis na pinayagang umuwi sa bisperas ng Bagong Taon, pinaalalahanan ng PNP na mag-report sa pinakamalapit na himpilan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo ang mga pulis na pinayagang umuwi sa bisperas ng Bagong Taon na mag-report sa kanilang pinakamalapit na himpilan ng pulis.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na ito ay upang masiguro ang maximum deployment ng mga pulis para sa pagdiriwang ng bagong taon.

Una nang pinayagan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis na mag Christmas at New Year break sa kabila ng umiiral na “no leave policy” ng PNP, para bigyan ng pagkakataon ang mga pulis na makasama ang kanilang mga pamilya sa panahong ito.

Pero ito ay sa kondisyong maaari lamang umuwi ang mga Pulis mula ala-5 ng hapon ng Disyembre 24 at 31 hanggang alas-5 ng umaga ng Disyembre 25 at Enero 1 ng susunod na taon.

Sa loob ng nabanggit na panahon ay inaasahan parin ang mga pulis na nag-avail ng break na mag-report sa istasyon na pinakamalapit sa kanilang bahay upang makaresponde sila sa anumang tawag ng tungkulin, kung sakaling kakailanganin. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us