Mariing kinondena ng mga senador ang panibagong pag-atake ng sasakyang pandagat ng China sa barko ng Bureau of Fireshies and Aquatic Resources (BFAR) na nagbibigay lang ng suplay sa mga mangingisdang Pilipino sa blBajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.
Iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kawalan ng puso ang ginawa ng China dahil humanitarian mission ang ginagawa ng barko ng BFAR.
Hindi lang aniya damage to property ang ginawa ng China sa pagkakataong ito kundi nilagay pa nila sa panganib ang buhay ng mga Pilipinong sakay ng naturang barko.
Kaugnay nito, hinikayat ng Senate leader si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pauwiin na sa kanilang bansa ang kasalukuyang Chinese ambassador na naririto sa Pilipinas dahil wala naman aniya itong nagagawa para tugunan ang patuloy na pag-atake ng kanilang pamahalaan sa ating tropa at mga kababayan.
Samantala, nanawagan naman si Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada sa Chinese government na respetuhin ang international law at itigil ang lahat ng aksyon na maglalagay sa alanganin sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Kasabay nito ay hinikayat ni Estrada ang lahat ng partidong sangkot sa insidente na magkaroon ng makabuluhang dayalogo para tugunan ang ugat ng ganitong mga insidente. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion