Militar at BARMM, namahagi ng cash assistance sa 22 ASG na nagbalik-loob

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinamahagi ng 11th Infantry “Alakdan” Division at Office of the Ministry of Interior and Local Government (MILG) -Sulu, ang unclaimed o di nakuhang cash assistance ng 22 dating miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Camp Bautista, sa Jolo, Sulu.

Maliban sa cash assistance, nakatanggap din ang mga ito ng food packs at tig-isang sako ng bigas na bahagi ng sustainment efforts ng pamahalaan sa ilalim ng Project TUGON o “Tulong ng Gubyernong Nagmamalasakit.”

Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Program Manager Jaber Macacua, layon ng Project TUGON na matulungan ang mga dating ASG members na maging produktibong mamamayan ng Bangsamoro community sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pangkabuhayan at iba pang benepisyo.

Ipinaabot naman ni 11th ID General Officer-In-Charge Brigadier General Christopher Tampus, ang pagpapasalamat ni 11ID at Joint Task Force Orion Commander Major General Ignatius Patrimonio, sa mga inisyatibo ng BARMM upang mapabuti ang pamumuhay ng mga dating miyembro ng armadong grupo, at ng mga taga-Bangsamoro Region. | ulat ni Leo Sarne

📸: 11ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us