MMDA, may payo sa publiko para makaiwas sa Christmas rush traffic

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na planuhing maigi ang kanilang lakad ngayong magpa-Pasko.

Ito’y dahil sa inaasahang titindi pa ang lagay ng trapiko sa buong Kamaynilaan dahil sa kaliwa’t kanang Christmas party gayundin ang last minute Christmas shopping rush.

Para maiwasan ito, payo ng MMDA sa publiko na mamili na ng kanilang mga ihahanda sa Pasko ngayon pa lamang upang hindi na makasabay sa dagsa ng mga mamimili sa susunod na dalawang linggo.

Kung maaari rin ayon sa MMDA ay bumisita na lamang sa pinakamalapit na commercial centers sa kanilang tahanan upang hindi na maipit sa traffic jam.

Batay sa pagtaya ng MMDA, inaasahang 20 porsyento ang itataas sa volume ng mga sasakyang bibiyahe sa Metro Manila ngayong Pasko at Bagong Taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us